Tunay na Malaya na an ating bansa sa mga mananakop na mga dayuhan. Malaya na nating nagagawa ang mga bagay na noon ay hindi lubos magawa ng ating mga ninuno. Isa pang patunay ito na tayo na nga ay Malaya –ang pagkakaroon natin ng atinga sariling wika, ang wikang Filipino.
Ipinagdiriwang nating mga Pilipino ang Buwan ng Wika dahil sa Proclamation 1041, na nilagdaan ng dating pangulong Fidel V. Ramos na na nagsasabi ng taon taon na selebrasyon ngn ating pambansang Wika tuwing Agosto. Idinaraos ito tuwing buwan ng Agosto dahil sa ating dating panulong si Manuel L. Quezon na tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa na ipinanganak noong Agosto 19, 1878.
Ang Ilocos Sur National High School ay nakiisa rin sa selebrasyon ng buwan ng wika sa paraan ng pagtataguyod ng Filipino Cub sa mga iba't-ibang maka-Pilipinong gawain. Narito ang ilan sa mga nailunsad na gawain; pagsulat ng sanaysay, pagsulat ng tula, sabayang pagbigkas, paggawa ng poster at slogan at marami pang iba.
Nararapat lang na taon-taon nating ipagdiang ang buwan g Wika upang magamit ito sa paghihikayat sa mga Pilipino na bigyang importasya ang aitng wika g pagkakaisa. Dahil maaring itong paggamit natin ng wikang Filipino ang maging tulay o instrumento sa hinahangad nating kapayapaan. Sabi nga ng tema Wikang Filipino, Wikang ng Pagkakaisa.

No comments:
Post a Comment